Ano ang saklaw ng 5-year LTO Registration?

@attycheldiokno

Good news para sa mga motorista! Itinaas na sa 5 years ang validity ng vehicle registration. Pasok ba ang sasakyan mo? Panoorin ang ating #LegalLifeHack sa detalye! I-share ito sa kapwa drivers para updated din sila!

♬ original sound – Chel Diokno – Chel Diokno

Good news sa mga bibili ng brand new na kotse o motor…

Alam mo ba? 5 years na agad ang validity ng LTO registration mo.

Ayon sa LTO at DOTr, inaprubahan na ng Pangulo ang extension ng vehicle registration validity— mula sa dating 3 years, gagawin nang 5 years.

Ang catch? Para lamang ito sa mga bagong bili na sasakyan at motorsiklo.

Kailan naman ito magsisimula? February 15, 2026 ang target implementation.

At pag na-avail niyo ito, kailangan niyong tandaan:

Sa ika-apat na taon, kailangan pa ring ipa-roadworthiness check ang kotse.

Pagdating naman sa ika-anim na taon at pataas, yearly o taunan na ulit ang rehistro, at may roadworthiness check pa rin.

Tanong mo siguro—bakit ganito?

Dahil habang tumatagal ang sasakyan, mas lumalaki ang tsansa ng sira. At para sa kaligtasan nating lahat sa daan—kailangan ang regular na check-up .

Pero ang tanong—makakatipid ba talaga tayo dito?

Ayon sa DOTr, layunin nitong bawasan ang mahabang pila sa LTO, at siyempre, masugpo ang fixer culture na pahirap sa maraming motorista .

About Rep. Chel Diokno

Si Akbayan Partylist Representative Chel Diokno ay isang human rights lawyer, dating Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at Founding Dean ng De La Salle College of Law.