Paano makuha ang delayed final pay?

@attycheldiokno

Lagpas 30 days na, pero wala pa rin ang final pay mo? Panoorin ang #LegalLifehack na ito para malaman kung ano ang maaari mong gawin para makuha ang dapat sa’yo. I-share ito sa mga kaibigan mong nag-resign na pero hindi pa rin natatanggap ang kanilang final pay.

♬ original sound – Chel Diokno – Chel Diokno

Paano makuha ang delayed final pay?

Matagal ma-release ang final pay? Bawal ‘yan.

May deadline sa batas — at may parusa pag nilabag ito. Panoorin ito!

Ayon sa DOLE Labor Advisory No. 06-20:

Ang final pay, dapat ibigay within 30 days matapos kang mag-resign o ma-terminate.

Eto ang kasama sa final pay.

  • Sahod na ‘di pa nababayaran
  • Pro-rated 13th month pay
  • Bayad sa natirang leave
  • Separation o retirement pay
  • Tax refund
  • Cash bond (kung meron)
  • At iba pang nakasulat sa kontrata mo

Pero paano kung lagpas 30 days na, wala pa rin?

Pwede kang magreklamo sa DOLE.

Pumunta sa DOLE Regional Office sa lugar mo.

DOLE Regional Offices
https://ble.dole.gov.ph/dole-regional-offices/

Tumawag sa DOLE Hotline

DOLE Hotline 1349
Monday to Friday, 6AM to 10PM

Maari ring ma-contact ang DOLE via email o Facebook.

Email: hotline1349@dole.gov.ph
Message sa: facebook.com/laborandemploymentph

Karapatan mong makuha ang pinaghirapan mo.

About Rep. Chel Diokno

Si Akbayan Partylist Representative Chel Diokno ay isang human rights lawyer, dating Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at Founding Dean ng De La Salle College of Law.