Paano i-avail ang 5% discount sa LPG, bigas, atbp?

@attycheldiokno

May 5% discount sa LPG at bigas?! Opo, para sa Senior Citizens at PWDs. Pero may catch. Panoorin hanggang dulo para malaman kung paano ito ma-avail nang tama. I-share ang video na ito sa mga lolo’t lola ninyo, at sa mga kakilala ninyong PWD.

♬ original sound – Chel Diokno – Chel Diokno

Good news para sa mga PWD at kapwa kong seniors!

Maaari niyo na i-avail ang discount para sa LPG products, bigas, at iba pang pangunahing bilihin! Ano-ano ang mga yun? Watch this hanggang dulo.

Sa ilalim ng bagong Joint Administrative Order No. 24-02 ng DTI, DA, at DOE —may 5% discount na para sa mga Senior Citizens at Persons With Disabilities sa mga pangunahing bilihin tulad ng LPG, bigas, pagkain, at iba pa:

Paano naman i-avail?

  • Ipakita ang Senior Citizen ID o PWD ID
  • I-present ang purchase booklet — physical or digital
  • Kung representative ang bibili, kailangan ng authorization letter at valid ID
  • Sa LPG, dapat accredited dealer

Pero teka — may catch!

Una, isang beses kada limang buwan lang ang diskwento sa LPG. At kailangan — 11kg or below lang ang binili mo.

Pangalawa, hanggang ₱125 lang ang diskwento kada linggo. Ibig sabihin, hanggang ₱2,500 lang ang pwede mong gastusin sa mga basic na bilihin — kasama na ang LPG — para pumasok sa discount.

About Rep. Chel Diokno

Si Akbayan Partylist Representative Chel Diokno ay isang human rights lawyer, dating Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at Founding Dean ng De La Salle College of Law.