Paano ma-a-access ang birth, marriage, at death certificates online?

@attycheldiokno

GOOD NEWS! Maaari nang kumuha ng digital version ng PSA documents tulad ng birth certificate, atbp! Paano? Watch this #LegalLifehack at i-share para malaman ng iba ang mas madaling prosesong ito. Birth Certificate Marriage Certificate CENOMAR Death Certificate PSA Documents PSA Helpline PSA

♬ original sound – Chel Diokno – Chel Diokno

Alam mo ba, hindi mo na kailangan pumila sa PSA para lang makita ang birth certificate mo?

Gamit ang PSA Serbilis, pwede ka nang mag-request ng birth, marriage, o death certificate online.

Ang bayad? Pwede nang via e-wallet!

At pagkatapos?

Bibigyan ka ng unique code. At gamit ‘yan, ma-vi-view mo online ang dokumento mo.

Pero may catch: view-only lang ito, for up to 60 days. Hindi ito valid copy, pero useful ito kung kung nag-aapply ka sa school, trabaho abroad, o court—magagamit mo agad ang info.

Ngayon paano kung kailangan mo na ng hard copy? May dalawang paraan.

Option 1: Delivery.

Pwede mong ipa-deliver diretso sa bahay mo, LBC branch, o kahit sa embassy abroad.

Magkano?At gaano katagal ang hintayan? Visit this website para sa fees at delivery sked.

Pero kung urgent ang kailangan mo…

Option 2: DocPrint Pickup.

Ito ang mas mabilis. Dumiretso ka lang sa kahit anong PSA CRS outlet—sa Luzon, Visayas, o Mindanao. Walang appointment. Walk-in lang. Dalhin mo lang ang access slip, at sa araw din na ‘yon, printed na ang dokumento mo.

At ang bonus? Mas mura ito kaysa sa delivery.

About Rep. Chel Diokno

Si Akbayan Partylist Representative Chel Diokno ay isang human rights lawyer, dating Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at Founding Dean ng De La Salle College of Law.