Sino ang covered ng Zero Balance Billing?

@attycheldiokno

Alam mo bang maaaring libre ang gamutan sa ospital? Panoorin ang #LegalLifehack na ito at alamin kung paano gumagana ang Zero Balance Billing. I-share mo ’to at baka makatulong sa friends mo.

♬ original sound – Chel Diokno – Chel Diokno

Libre na raw ang gamutan sa ospital pero bakit may mga pasyente pa rin na pinababayad?

Pag-usapan natin ang Zero Balance Billing — dahil maraming hindi nakakaalam na may mga kondisyon pala ‘to. Panoorin mo ‘to.”

Una sa lahat, sino ang covered?

Ayon sa Universal Health Care Law (RA 11223), lahat tayo, automatic PhilHealth members na. At dahil doon — libre ang gamutan.

Pero may kondisyon:

— Dapat nasa DOH hospital ka
— at naka-basic o ward-type room ka

Kailangan bang indigent ka? Hindi.

Kahit estudyante, manggagawa, o manager — basta pasok sa dalawang kondisyon wala kang dapat bayaran.

Swish pan to CD as patient, holding papers (hospital bill), with hospital background.

Pero bakit may bill pa rin kami? Public hospital naman ito!

Dito maraming nalilito.

Hindi po lahat ng public hospitals ay DOH hospitals, dahil ang iba ay under ng LGU.

Eto po ang listahan ng DOH hospitals, para sigurado ang pupuntahan ninyo.

At may isa pang catch.

Kung nag-request ka ng private room, kahit sa DOH hospital ka, hindi ka sakop ng Zero Balance Billing.

Dapat nasa basic o ward-type room ka para mag-avail.

Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan direkta sa PhilHealth o DOH.

PhilHealth Action Center
(02) 8441-7442

DOH Hotline
1555

Ang kalusugan ay karapatan ng bawat Pilipino.

About Rep. Chel Diokno

Si Akbayan Partylist Representative Chel Diokno ay isang human rights lawyer, dating Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at Founding Dean ng De La Salle College of Law.