Trabaho

Proteksiyon ng batas sa empleyadong buntis

Sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Act (R.A. 10354), o mas kilala sa tawag na RH Law, ipinagbabawal ang panghihimasok ng employers sa mga desisyon patungkol sa reproductive health o family planning ng isang empleyado. Bukod d’yan, malinaw sa batas na hindi pwedeng gawing konsiderasyon o basehan ang pagbubuntis sa hiring o termination. Malinaw ito […]

Mga puwedeng ikaltas sa sahod alamin

Ang basic na prinsipyo- dapat makuha ng bawat empleyado ang buong sweldo, at dapatmalaya siyang gastusin ito ayon sa sariling pangangailangan at kagustuhan. Kaya naman in general- pwede lang deduct-an ang sweldo kung pinapayagan ito ng isangbatas, o kung mismong empleyado ang pumayag at may written authorization para dito. At sa Department of Labor and […]

Non-compete clause sa kontrata ng empleyado

Ang non-compete clause ay kasunduan sa pag-restrict ng activities ng empleyado, during or after employment. Ang layunin – iwasan ang pag-compete sa business ng employer. Karaniwang nakasulat dito na for a number of years- bawal kang magtrabaho o ma-involve sa anumang activity, business or company engaged in the same business as your employer. Sa batas, […]

Alamin kung sino ang entitled sa 13th month pay o hindi

Entitled sa 13th Month Pay ang lahat ng rank-and-file employee sa pribadong sektor, basta nakapag-trabaho nang at least one (1) month sa calendar year. Ibig sabihin, ang labas sa sakop nito ay mga managerial employee, o yung mga may awtoridad na gumawa at mag-implement ng management policies, at ang mga nagtatrabaho sa gobyerno. Ang amount […]

Empleyadong pinilit mag-resign ng toxic na boss may habol pa

Kung pinag-initan ka ng boss mo, dinemote, binawasan ng benefits, o winithhold ang sahod — at dahil dito ay napilitang kang mag-resign o umalis na lang sa trabaho, pwede itong ituring na constructive dismissal na BAWAL SA BATAS. Sa ganitong sitwasyon- may karapatang magsampa ng kaso for illegal dismissal. Constructive dismissal ang pagpapakita ng “discrimination, […]

Karapatan ng public school teachers sa overtime

May karapatan ba ang public school teachers kung kailangan silang mag-overtime sa trabaho? In general- ang government employees ay kailangang mag-render ng 40 hours of work, 5 days per week, o 8 hours of work per day. Sa Section 13 naman ng Magna Carta for Public School Teachers o Republic Act No. 4670, nakasaad: “Teaching […]

Empleyado di pwedeng piliting mag-overtime

Hindi kayo pwedeng pilitin ng boss niyong mag-trabaho ng overtime – bukod na lamang sa exceptional cases provided under the Labor Code. Sa Article 89, nakalista ang limitadong circumstances kung kailan lang pwedeng i-require ng employer ang empleyadong mag-render ng overtime work. Ayon dito- “Any employee may be required by the employer to perform overtime […]

Bawal ang hindi regular na pagbibigay ng sahod

Bawal ang hindi regular na pagbibigay ng sahod. Malinaw na nakasaad sa Article 103 ng ating Labor Code: “Time of Payment.— Wages shall be paid at least once every two (2) weeks or twice a month at intervals not exceeding sixteen (16) days.” Article 103 of the Labor Code Ibig sabihin, dapat regular ang pagbigay […]

Patakaran sa pag-offset ng overtime

Ang overtime, dapat bayad! ‘Di pwedeng bawiin sa leave! Ayon sa Article 88 ng Labor Code – hindi pwedeng iwasan ang pagbayad ng dagdag na compensation o overtime pay sa ganyang mga set-up. “Undertime Not Offset by Overtime.— Undertime work on any particular day shall not be offset by overtime work on any other day. […]

Ilegal ang biglang pagbawas ng kumpanya sa benefits ng empleyado

Ilegal po at hindi pinapayagan ng ating batas ang biglang pagbawas sa benefits ng empleyado. Sa maraming kaso, naipaliwanag na ng Supreme Court na anumang benefit na ibinibigay ng employer sa mga empleyado (base man sa kontrata o karaniwang practice ng kumpanya)- Hindi maaaaring basta bawiin o bawasan ng kumpanya. Ang prinsipyong ito ay tinatawag […]