Trabaho

Mga empleyado, di puwedeng piliting pumasok pag bagyo!

 Pinipilit pumasok sa trabaho kahit bumabagyo na? Bawal ‘yan! Ayon sa DOLE Labor Advisory No. 17, series of 2022, may karapatan ang empleyadong na tumangging pumasok sa trabaho kung may panganib sa kanya dahil sa masamang panahon o iba pang katulad na sitwasyon. At ang employer- bawal magpataw ng parusa sa empleyadong ‘di nakapasok dahil […]

Gov’t employees na apektado ng bagyo, may emergency leave

Sa mga government employee na apektado ng bagyo, entitled kayo sa 5-day Special Emergency Leave! Paalala ito ng Civil Service Commission (CSC Memorandum Circular Nos. 2 and 16, series of 2012) sa lahat ng government agency na sa dapat bigyan ng limang araw na leave ang government employees na direktang apektado ng natural calamity o […]

Bagong minimum wage sa mga kasambahay sa Region III

Magandang balita sa mga domestic workers sa Central Luzon! Simula April 1 ngayong 2024, itataas ang buwanang sweldo- at ang minimum wage- dapat P6,000 na! Covered dito ang mga househelp, at iba pa, gaya ng Yaya, Cook, Gardener, at Laundry person. sa Region III: Inaasahang matutulungan nito ang 126,762 na domestic workers. Para naman sa […]

Weight requirements sa empleyado, depende sa trabaho

Ang acceptability ng weight requirements, depende sa industriya at trabahong ginagawa. Sa isang kaso (Yrasuegui v. Pilippine Airlines, Inc. (G.R. No. 168081, October 17, 2008), sinabi ng Supreme Court na pwedeng magtakda ng weight requirement ang employer- PERO dapat ito ay bona fide occupational qualification or BFOQ. Ito ang BFOQ Test na dapat i-apply: Una, […]

Proseso para ituring na regular employee ang seasonal employee

Ang seasonal employment ay kadalasang makikita sa sakahan na ang assignment lang ay tuwing panahon ng anihan. Dito- ang uri ng trabaho o serbisyong ginagawa ay sadyang seasonal o pana-panahon, at ginagawa habang patuloy ang season. Halimbawa ng seasonal employees ang farm workers- dahil seasonal o pana-panahon talaga ang pagtatanim, pag-aani, at pag-proseso ng inani. […]

Service charge dapat mapunta sa service workers

Mga mahal nating service workers sa hotel, restaurant, at katulad na establishments! Alam niyo ba na may bagong rules ang DOLE tungkol sa Service Charge! Here’s your Lifehack para ipamahagi ito sa inyo! Sa Service Charge Law (R.A. No. 11360) ang “Service Charge” na nasa mga bill at kinokolekta ng mga hotel, restaurant, at katulad […]

Mga sinasabi ang batas ukol sa office romance

Ayon sa Supreme Court, pagdating sa policies ng employer na naglilimita sa pagkasal ng dalawa nilang empleyado, pwede lang itong gawin kung may reasonable business necessity para rito. Ibig sabihin, dapat ay totoong may katwiran at pangangailangan sa anumang prohibition, kaugnay ng maayos na pagpapatakbo ng negosyo. Sa isang kaso- pinag-resign ng kumpanya ang isa […]

Alamin ang parusa sa employer na ‘di nagre-remit ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG

Pwedeng kasuhan ang employer na hindi naghuhulog ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG. Sa SSS, may parusang multa hanggang P20,000.00, o pagkakakulong hanggang 12 years, o pareho. Sa PhilHealth, multa hanggang P1,000 multiplied by the total number of employees at pagkakakulong hanggang 1 year. Sa Pag-IBIG naman – multa hanggang two times ng hindi ni-remit, o […]

Proteksiyon ng batas sa empleyadong buntis

Sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Act (R.A. 10354), o mas kilala sa tawag na RH Law, ipinagbabawal ang panghihimasok ng employers sa mga desisyon patungkol sa reproductive health o family planning ng isang empleyado. Bukod d’yan, malinaw sa batas na hindi pwedeng gawing konsiderasyon o basehan ang pagbubuntis sa hiring o termination. Malinaw ito […]