Una sa lahat, kung maiiwasang umutang sa online lending ay umiwas na dahil nga sa reported na mataas na interest rates at sa mga illegal na ginagawa ng ilan sa kanila.
Ayon sa ating Saligang Batas, hindi nakukulong ang sinuman dahil sa hindi pagbayad ng utang except kung ang pag-utang ninyo ay ginawa nang may panloloko or fraud or panlilinlang, halimbawa mapatunayang umutang na walang planong bayaran ang utang, in which case maaaring masaklaw ng estafa ang inyong ginawa na siyang may karampatang parusang kulong and/or multa.
Gayunpaman, pinapaalala namin na kailangan pong bayaran ang anumang pagkakautang. Maaaring partial payment or full payment ang gawin. Kung hindi pa fully paid at lumagpas na sa period ng pagbayad, maaari rin pong sampahan ng civil case for collection and damages ng inutangan ang may pagkakautang sa kanya. Maaari itong small claims kung ang utang ninyo ay hindi lalagpas sa P1,000,000.00.
Ayon naman sa ating Civil Code, hindi pwedeng maningil ng interest (or penalties) unless ito ay nasasaad sa isang kasulatan (expressly stipulated in writing). Kailangan din pong nasasaad sa nasabing kasulatan na mapapatawan ng interest ang natitirang unpaid interest mula sa nakaraang payment period para maging valid ang pagpataw nito. Wala rin naman pong limit ang rate ng interest basta siguruhin lamang na ito ay “reasonable”.
Kung may kasulatan kayo, ang utang ay mapapatawan ng interest (at penalties) kung nakasaad ito sa kasulatan hanggang hindi nababayaran. Kung sakaling may kasulatan nga ng pagbayad ng interest at umabot naman ito sa korte, pwede pong ireduce ng korte ang amount ng interest kung masabi nilang unfair or unconscionable ang nasabing amount ng interest.
Kung magpataw ng interest at walang kasulatan ay illegal ito at maaaring masaklaw ng criminal case na violation ng Truth in Lending Act or RA 3765.
Sa ganang ito, kung hindi kayang bayaran nang buo agad ang utang, pwede pong makipag-usap directly sa nagpautang sa inyo tungkol sa restructuring ng pagbayad sa utang upang maipaliwanag ang inyong sitwasyon at humiling na mapagaan ang pagbabayad nito. Paalala lamang na ang desisyon ng nagpautang na magbigay ng restructuring ay purely voluntary at hindi maaaring ipilit sa kanila. Kung anuman ang mapagkasunduan ninyo ay mabuting ilagay sa isang kasulatan at ipanotaryo.
Pinapaalala rin namin na ang kontrata o agreement sa pagitan ng umutang at inutangan ay may bisa ng batas sa pagitan nila. Kailangan pong sundin ang mga karapatan at obligasyon ng bawat isa na nakasaad dito.
Gayunpaman, kung kayo ay kinukulit at pinagbabantaan at tinatakot na idedemanda nang paulit-ulit, maaari itong ireport sa kinauukulan.
Una, ayon sa Data Privacy Act, meron tayong karapatan na maprotektahan ang ating personal na impormasyon at masiguradong magagamit lamang ito para sa mga layuning sinang-ayunan natin o iba pang legal na layunin. Ang National Privacy Commission (NPC) ay ang ahensyang may mandatong siguraduhin na narerespeto ang mga karapatang ito.
Noong Setyembre 14, 2020, naglabas na ang NPC ng abiso na tahasang ipinagbabawal ang mga online lending firm na mangolekta at gumamit ng impormsyon ng mga contacts ng mga kustomer nito (e.g. pangalan at numero), mula man sa cellphone o sa social media (https://www.privacy.gov.ph/wp-content/uploads/2020/10/NPC-Circular-No.-20-01.pdf). Higit pa, ipinagbawal nito ang anumang paraan ng pag-harass sa kustomer gamit ang nakalap na impromasyon mula sa contacts.
Para matugunan ang harassment na iyong nararanasan, maaari kang sumangguni sa NPC at mag-file ng complaint sa numerong 8234-2228 (gamitin ang Local 114), o ipadala ang iyong salaysay sa complaints@privacy.gov.ph.
Pangalawa, kung may pag-threaten naman na ipapahiya ka o anumang mga pagbabanta ay itinuturing itong krimen ng threats, na pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Para i-report ito, maaaring sumangguni sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa kanilang Complaint Action Center/Hotline: Smart: +63 961 829 8083 at Globe: +63 9155898506. Ang mga number naman ng regional offices ng PNP-ACG sa inyong lokasyon ay makikita sa sumusunod na link: https://acg.pnp.gov.ph/main/contacts.
Maaari mo ring isangguni ang problema sa NBI Operation Center at 0961-734-9450, NBI Anti-Fraud or Cybercrime Divisions at 85238231-38, or i-message ang NBI sa kanilang website or social media account.
Pangatlo, ang gawaing ito ay itinuturing ring “unfair debt collection practice” na ipinagbabawal ng batas. Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC) Memorandum Circular No. 18, series of 2019, maaaring patawan ang kompanya ng multa mula P25,000 up to P1 million o i-suspend o i-revoke ang kanilang permisong gumawa ng lending activities. Para rito naman, maaaring mag-report sa SEC sa email na cgfd_md@sec.gov.ph (ang karagdagang detalye para sa complaint ay makikita sa https://www.sec.gov.ph/lending-companies-and-financing-companies-2/complaints/).
Kung napansin ninyo or napag-alaman na biglang nagpalit ng pangalan ang online lending apps, hinihikayat namin na ireport din ito sa SEC para ma-aksyunan nila agad.
Maaaaring sabay gawin ang mga report na ito, dahil iba-ibang aspeto ng sitwasyon ang rineregulate ng mga ahensya ng gobyernong ito.
Atty. Magandang araw po.,, isa po ako sa mga hinaharas sa mga online lending app po.,, stress at depressed po talaga ako kasi po di cla tumitigal sa pagtawag at text po.,, nagawa kong mangutang sa online lending po kasi kailangan na kailangan talaga.,, nagpapaliwanag naman po ako kung bakit po ako hindi makapagbayad dahil po gipit na gipit po ako., dumating na po sa point na gusto ko mg magpakamatay po para matapos na po grabe po talaga ang epekto po sa akin paano naman po ako makapagbayad po everyday po ang interest po at mas lalong lumalaki ang utang ko po dagil sa interest po .,, depressed na depressed po talaga ako po.,, alam ko naman po ang utang ay dapat bayaran pero gipit lang po talaga ako.,, ano po ba ang dapat kung gawin po stress at depressed na po talaga ako.,,, maraming salamat po sana matugunan
Atty. Goodpm 3months na ho ako hindi nakabayad pero willing ho ako mgbayad kasi po nag apply po ako ng trabaho. Ngtetext po sila na ei po post nila ang printed picture ko na wanted daw kung hindi ako magbabayad ng buo sabi kopo sa kanila magbabayad po ako ng paunti² ngpapaliwanag din po ako at nanghihingi ng pasensya at nakikiusap. Ano po ba ang dapat gawin. Salamat po
Hello attorney Magandang Gabi po!!!
Isa po ako humingi ng payo sa inyo, biktima rin ako ng online lending app.. Ang laki ng interest hindi ko na Kayang bayaran naubos ang pera ko sa ka kabayad at dumating ang Punto na tumawag sila sa akin at sa iba Kung kontak sa phone na kailangan ko raw bayaran ang utang ko Kung hindi ko MA bayaran e blocked Nila ako sa mga institutional government, at hindi na maka pag access ng any Bank account at padalhan Nila ako ng demand letter na takot po ako sa mga gagawin Nila!!!.. Tinatawagan Nila ang family ko!!!.. Honestly attorney okay nman po ako magbayad ang kaso Lang gipit na ako., kunti Lang iyong sales ko sa tindahan at pagtitinda ng ulam.. Lalong palaki ng palaki ang interest!!..
Pare has Po Tau at ung sakin Po my pag babanta pa sa Buhay ko kaya ko Rin nmn Po Hindi nabayaran KC gipit na gipit ako TAs Ang rude pa nila mag salita ganiyan dn Po sinasabi nila saki at pati dw Po mga Facebook friends ko tawagan at I chat nila
Hello po isa din po ako sa na ging ganyan payo po sana ano po ang dpat kong gawin kc sobrang stress na po ako
Ganyan din po ako na nakita ipost nila ako sa facebook ko at ipapahiya daw nila ako sa barangay namin at sa mga friends at contact ko sa fb. Ang bago pa 4days palang akong delay sa payment na pang 7days na loan e padadalan daw po ako ng demand letter. Nakiusap nman ako na male-late lang ako ng bayad dahil my inaantay ako na pera sa kaibigan ko sa ibang bansa ang sabi p sa aking gagawa pa daw sya ng gc nmin para kamiagusap ng friend ko na sinisingil ko kasi nga po gusto ng mapayad ang sabi pa basta magbayad daw ako ng utang ko totoo wala po akonh tinakbuhan na utang first time ko naranasan yan sa lending line.
naranasan ko din po yan, nagtetext pa na ipapapatay ako at reregaluhan ng kabaong. nisave ko po lahat ng mensahi nila sa akin. magbabayad naman ako, nahospital kasi ang nanay ng asawa ko. ang mahirap pa ang laki ng interest 2,000 tapos ang babayaran ko 3,500 na, good for 1 week.
pareho po tau ngaun po dpa aq mkapag bayad grabe cla mang harass.naddepressed n aq at suoer stress
Atty. Isa Po ako sa mga kasalikuyang hinaharas Ng online lending apps naka Hiram lamang Po ako sakanila gawa Ng kagipitan at pag Hindi Po Ako nakakapag bayad puros pananakot at my pag babanta pa Po sa Buhay ko dpo ako maka bayad KC Po walang Wala ako at halos kapapanganak ko lng dn Po everyday mypatung stress na stress na Po ako my mga txt papo Sila na ipopost nila ako sa Facebook at cocontackin lahat Ng friends ko sa Facebook at satawag nmn Po Ang harsh Po nila magsalita nakikiusap kana pero Todo parin Ang pananalita nila sana Po matulungan niyo ako
Natatakot na po ako dko po alam gagawin ko kasi pati mga reference ko tinatakot nila..ano gagawin ko sana po may mkausap ako na matulungan ako.
Atty,.ako po biktima ng online pautang,.grabe po ang ginagawa nilang pang haharass sa kin,.ako poy sobrang depressed na dahil sa knilang ginagawang pamamahiya at pananakot,.tinetext po nila mga contacts ko na ako magingat daw sa kin dahil ako daw po ay tulak ng droga sa lugar namin,.tas me banta p po sila n ako daw po ay ipapatay sa knilang hitman,.nd n po ako mkaharap sa mga taong kakilala ko dahil sa sobrang kahihiyan,,sa 4k po na nahiram ko ay cnicngil nila ako ng 10k dahil overdue n daw ng 2 linggo ang utang ko,.tulungan nyo po ako kung anu dapt kong gawin,.nd n po ako mkapamuhay ng normal dahil sa ginawa nila,.ang sakit po nilang magsalita
Atty. Ako rin po ay isa sa mga tinatakot ng online lending ako po ay nakautang at inaamin ko gipit po tlaga ko ngayon mag bayad pero nag partial payment ako at ayaw nilang tanggapin tinatakot nila ako na at guguluhin ang mga contacts ko atty. Tulungan mo po ako mababaliw na ko kakaisip binayaran ko nmn ung inutang ko kung ano lang po an nareceive ko kc hindi ko po kayang bayaran ang malaking interests gipit na gipit po ako ngayon at hindi sila tumigil kakatawag at text sakin
Ano po ang dpat kong gawen??? Tulungan nyo poko Ako.
Good evening po.humingi din po ako ng payo kasi nangutang din po aqu sa OLA ni po sa kagipitan at utang bayad din po sa inutangan Po kaya po nagpato g patong nga po ang utang ko..ksya po d n aqnkabayad .pero nkapag partial nmn po aq..now po hinahararh po nila aq at mga cbtactr ko po..at gumwa p po cla ng gc kasama ang mga friends ko po sa fb..kinuha nya po..anu po b gagawin ko..nakikipag ugnayan nmn po aq kaso minura nya p o aq..nung tatawagan ko po cya cant be reach n po..dami po number gibagamit po e..anu po b gagawin ko..
Andun p po kasama ang picture ko po at id ko po tama po b yun..scammer dw..magnanakaw ng libo libong pers dw po..nkikkiusap nmn po aq.anu po gagawin. Ko po sa ginawa po ng OLA agent po nila
alam ko nman yung obligasyon ko sa inyo hndi ko nman kayo tatak buhan sadyang wla pa ako pang bayad ngaun pero sa oras na nag ka pera ako babayaran ko agad yan sa inyo.yun po sabi ko sa.kanila. una tatawag po sila anggang sa nakausap ko sila iba iba calls gamit mga ibang numbera na iba naman papatyin ako pati pamilya ko… Mga photos ko po ids at kasma don s sinend s aknila para ma approve yung pantakot nila sakin at pag papagrab p sila ngfoods n ako raw magbabayd gamit number ko at ids ko nasned sa kanila… Para mabaon sa utang raw… 7 days lang kase palugit para makabayd raw po… Una nakakabayad nman po ako anggang sa nagipit lang po pero magbabayad din po ako…
Anu po gnwa nyo ,ganyan din po sinasabi nila saakin
Ako din po ngayon nakikiusap ako na bigyan ako ng palugit or kung pwede hulog hulugan ko pero sagot nila hindi pwede naghihingi sila ng parsyal malaki naman hinihingi nila..tapos ung loan ko is 8k napunta saakin 5k lng within 7days mabayaran ko dapat ng 8k pero dko naibigay kasi nagipit ako..na delayed lng ako ng 3days may penalty ng 1040
Ang laki ng interest nila sobra ang interest tapos 7days lng .
Ganyan din sa akin Ang ginawa nla nagtxt cla kung anu-anu sa reference ko. At kung saan na cla nagtxt . Nahihiya Ako KC nagtxt cla sa mga kakilala ko na mag ingat dw cla sa akin KC magnanakaw daw Ako. Hndi rin Ako naka bayad KC gipit na gipit Ako ngaun . Sa laki din interest nla… Nagloan Ako Ng 10k pero Ang natanggap ko ay 5800 lang . Hndi ko na alam anung gagawin ko sana matulongan Ako ..
Bkit po gnun sila MANINGIL parang kriminal kung maningil ang iba sa kanila. Nung una n nkbyad ka tangkilikin ka n u ulit pa. Nang gipit k dpat sana tulungan ka tatakutin pa. Ngaun Hirap at pamamahiya ang Ginagawa kpag dimo sagutin twag nila Galit sila at nagbabanta na ka kasuhan ng estafa. Npaka laki ng tubo nila sa 7 days at 14 days khit papo sa 30 days. Meron din n loan apps tlga n nkaka tulong pero karamihan sa iba mpagsamantala. Minsan kahit ayaw kona mag loan biglang may kdarating na mag oofer. Sa kagipitan accept dhil gusto mong mkbayad sa kanila. Lalo lang nkagpit ung pagkuha ng loan at ibabayad lang din sa niloan sa kanila ngkapatong paying napo. Mali talaga mainganyo n mag loan sa online loan apps. Khit p sa madali kumuha 1 ID lang at 2contact reference at address ng bhay mo mkakuha kana Agad. Un ang ginamit nilang strategy upang mahikayat n umutang ng umutang sa kanila at kpag nbaon kana sa Utang dina mkaahon. Sobra din ang patubo ng 7days loan apps ung 3,500 mkuha mo 2,000 1,500 Agad tubo nila s 7days.tapos itaas nila kpag nkbayad ka. Ggwen nilang 4,500 mkukuha mo 2,700.hangang itaan p uli nila pataas ng pataas kukunin mo pataas din ng pataas tubo nila Hangat dina mkbayad.
Ako din gnyan ang pananakot nila sakin sabi pa nga sa txt putang ina ko daw padadalhan daw ako ng kabaong para may abuloy na bibigay sakin at yun daw ang pambabayad sa kanila. Halos d nako makatulog da ginagawa nilang pananakot
Magandang arw po,ano po dapat q gawin kc po hinaharas po aq ng online loan q na utangan,wla na po kc aq mahiraman kya sa online loan aq lumapit, nag babanta na po cla saakin pati sa facebook popost nila aq ,lahat po ng kontak q tatawagan nila at ipapahiya aq,anu po dapat q gawin na i stress na pi talaga aq
Ako ay nkakuha din ng online apps diko Alam na Ganun pala mam bastos at manakot ng Tao. Kpag dika nkbayad Sobrang stressful at pagaalala sa pamilya mo ang inyong danarasin sa Ginagawa nilang pananakot at pamamahiya. Kung kaya sa Gulo ng aking isipan ini off ko ung Zim ko at hinanap ko ung apps manager dineny ko ung apps nila sa contact ko camera call logs at location kung saan sila kumukuha ng ng mga gagamitin nila n pananakot. Pati po sa fb nagpapangap po sila n Ako at msgs ung mga ka trabho n tungkol sa pera. Making Mali tlga kumuha NG online apps. Bibaon nila sa Utang ung tao Madami ko nkuha an sa kanila ung Di dapat nadamay nadamay n diko mbyaran dhil ntatakot at nalito nko at ung iba n dpat n n Bayaran ay nkalimutan kona. Tapos sa kagustuhan ko n mkbayad mgloan Ako sa isang LMM FINANCIAL MATTER. DGF LENDING INVESTOR INC. Un pala scam pinadeposit Ako NG 10K nung una 20K sabi ko wala akong gnun kalaki g halaga hangang nainganyo nila ko n mgdeposit sa Gcash ng 10K.duon ng simula ung diko nkbayad sa mga online apps ko n nkuhanan. Sa kagustuhan ko n mabayaran n lahat dhil sa malaki daw mkuha g Kong loan npasama pa at lalo ko nbaon sa kanila. Ngaun sa ibang online apps ay sa email Ako nakikiusap hinde s twag at msgs sa phone. Dhil sa email dinila ko mtatawagan para takutin at murahin at kung Ano ano pang Salita n msasakit n pede nilang Sabihin. Sobrang STRESSFUL Talga ang gingawa nilang pananakot!!?
Atty. Chel Good afternoon po nangutang po Ako sa online lending Inaamin ko naman po sir tpos Hindi po Ako nakapg bayad agad Kase nagkaroon po ng emergency po sa kapatid ko 🥺 ngayun po sir Ang interest at pag babanta nila saakin sir ay nakakastress na po Hindi ko naman po tatakbuhan kaso po tlagang gipit lang po Ako sa ngayun ano po Ang dpat Kong gawin
Magandang araw atty..ako Rin po ay mkpg utang SA ola noong Una mabayaran KO Rin po kahit sbrang laki Ng interes dahil my emergency SA family KO Hindi KO na po mabayaran cla,atty gipit n gipit po ako at lalong nadepressed at stressed dahil SA MGA harassment at txt at twag nila,Hindi KO na po alarm ang gagawin KO atty.alam KO po na ang utang ay dapat bayaran pero walang wala ako ngayon atty..Anu ang aking gagawin atty plss help
Atty Chel ako Po ay hihingi Ng payo nkautang poko Ng 700k s loob Ng 1 yr mging 952k po…nbyran kunpo eh nsa 800k mhigit… S ksmaang plad ako Po ay nbangkrap at alm an Po Ng financing, pwede kunpo bng di byran Ang ntitirang blnce n interes Po?
Atty. Chel isa po ako sa nangutang sa OLA.. ang una po ay nabayaran nang partial same din hinaharas din ako may pagbabanta nakikiusap po ako sa kanila ni babayaran q at kung e long term nila dahil napakalaki nang interest sa halagang 4000 ang na approved is only 2200 at babayaran q with in 1week na delay lang po ako nang 1day marami na silang sinasabi na hindi maganda at pagdating nang overdue araw dumadagdag ang interest.. pinipilit q pa rin na mabayaran ang remaining na interest hanggang may nag chat at nagtanong kung may complain daw ako sa mga collector agent nila at nagpakilala na tagaHR daw xa at akoy kanyang tulungan hanggang nasabi q sa kanya lahat at sinabihan nya akong e refund nya ako pero bayaran q boo ang balance muna binayaran q naman po para makabawi sa mga ginagawa nang agent at marami xang pina applyan sa akin dahil doon daw e sesend yong refund q pero hindi naapproved tapos sinabihan nya ako na mam mayvtatawag sayo para ma refund na yong loan interest mo ang isasagot ko lng daw ay puro oo nagtaka man ako pero hindi ako makapag isip hanggang isang araw may tumawag at iyong na gustong kung sumagot na wala pero di q magawa at sabi nya kunin q na daw pero nong nakita q sa apps ang amount na ma loan pa rin d q ginalaw dahil ayaw q na dahil panibagong prob na naman pag kinuha q hanggang dumating ang due date nakuha na pala ang pera sa ibang gcash number at ngayon hinaharas na naman ako at kumuntak xa sa akin noong isang dahil pinadala kona ang convo namin sa email sa natorang OLA kumontak xa sa akin at parang nagmamadali na mag open ako nang apps may binigay xa sa akin na number at password at sabi nya sa akin hintayin q xa at hindi e la log out ang apps pero nilog out q dahil gusto kung malaman kung bakit at nagalit xa sa kin matigas daw ulo q kaya sure po ako na xa ang scammer at andyan lang xa sa loob….
Atty chel humihingi po ako nang tulong sa inyo sana po ay mabigyan nyo kami nang oras marami na po kaming victima salamat po atty chel
Ser ano po kaya ang Magandang Gawin sa mga nkuha an po nmin n online apps? Kahit n makiusap at mag sabi n mgbbyad Di sila titigil sa pananakot at mgsend ng mga msgs n PAMBABASTOS at pagbabanta sa Buhay. Saka sa sabihan n ka kasuhan ng estafa. Sobrang stress at pangamba para sa family n bka pati sila idamay. Kung tutuisin po halos wala pong npakinabangan sa naloan n nkuha dhil po sa iksi ng 7 days at 14days at khit po 30 days n palugit at npka laking tubo. Tapos iinganyuhin ka Nila n kpag nkpag bayad kana SaSabihin haha a ung payment due date hangang kumuha ka uli NG kumuha pero kpag dumating at mkita mo 7days at npka laki ng interest at n bawas nila sa pinaloan nila sayo??? Meron silang technique n parang nbudol ka sa twag at msgs nila n Umutang p NG Umutang sa kanila. Npka Mahirap ipaliwanag pero un ang katotohanan. Padadamahin lang nila mga Customer nila para Lalong mabaon sa kanila sa Utang. Hangat sa Mali to mawala Ja sa focus dimona Alam ggwen mo dhil sa pananakot nila at pagbabanta.
Atty.chel isa rin po ako sa biktima ng ola.tinatakot at hinaharass nila po ako.na kisyo daw ipopost daw sa social media mukha ko at ng family ko..pati po guro po ng anak ko tinawagan at tinxt na nila.dahil po n access nila yong contact ko s cp ko.na didipressed na po ako.sana po matulungan nyo po ako.gipit n gipit po kasi ako kaya hindi po ako nakabayd agad.
Good afternoon po Atty. Chel, anu po b dpat kong gawin dahil ayaw naman po nila ako bigyan ng sapat na panahon upang makapagbayad at gusto nila ora mismu.
Gaming den po ako nag partial po ako ang dam8ng masaskit na saliva ang sinabi saying pate anak at pamilya ko po pinagbabantaan de na po ako makakin makatulog dahil iniisip ko po mga pinagdasabi nila subrang sama po talaga mga pinagsasabi jila sakin pls. Tulungan nyo po ako nakikiusap nmN po ako pero ma’s lalo silang sumasama ng sinasabi
Good eve.atty ano po dapat kong gawin ako po ay nagkautang sa lending apps. Past due na po ako ng 5days. Pero po sa past due ko po is nakakapag bayad po ako kahit magkano .. wala nman po sa 10k ang utang ko sa halagang 3 to 4k may kaltas po silang kinukuha kaya mapupunta nlng po sen is nasa 1plus to 2plus kumpurmi po sa mga interest .hindi naman po ako magkakaitang sa lending kung hindi po emergency sa mother ko sa gamot . Kaso hindi po ako nakapagbayad dahil nagipit po ako lalo po sumabay ang bagyong egay .ngayon po kung ano ano pananakot panghaharass na depressed na po ako Ayaw po nila i accept ang reseason ko kahit sinabi kopo na hindi ko po tatakbuhan pagkakautang ko .dahi utangko po yun na dapat bayaran. Atty iba na po text jila saken pananakot na po at may pagbabanta s pamilya ko.
Hello po attorney,ako po ay humihingi ng tulong,grabi na po ang pag babanta ng online lending na inutangan ko po,pati pamilya ko po dinadamay na nila,sabi pa e e post daw nila sa social medya pag mumukha,Bobo daw po ako,sana daw liparan ako ng lumilipad na yero dahil bagyo ngayun,madami pa po silang pag babanta,,may mga screen shot po ako ,at iba iba po cla ng number na gina gamit ang taas pa ng pa tubo..Inaamin ko nmn po na d ko pa po mabayaran ang mga utang ko gipit po ako sa ngayun pero nag hahanap nmn po ako ng paraan para ma bayaran po cla،kaya lang po grabi na po ang pang babackmail nila at harass sa pamilya ko..na highblood na po yung tatay ko dahil cla ang ginogulo.nakikipag usap nmn po ang tatay ko ng maayos pero ayaw nila makinig puro cla pag babanta.SANA MATULONGAN NYU PO KAMI.KAMI PO AY NAKIKIUSAP AT NA STRESS NA PO AKO SA KANILA.Maraming salamat po.
Hello and Good day po atty, humiran po ako sa isang online lending app actually ilang beses na po at nag babayad po ako on time, ngayon po ganon din po yong case humiram ako at sa app nila it appears na nadisburse na ang amount(pera) na inutang ko pero wala po akong na receive na amount sa account ko, ngayon po sinisingil nila ako at pinagbabantaan. Naiistorbo na rin po nila yong mga contacts ko kasi pinapahiya po nila ako sakanila. Ano pong pwde kong gawin dito? Sinabi ko na po sakanila na pano ko babayaran yong utang ko e wala naman po akong nareceive na amount(pera) paulit ulit ko pong sinasabi sakanila pero wala po silang action sa reklamo ko bagkos sige lang silang singil sa akin?
Atty.chel isa rin po ako sa biktima ng ola.tinatakot at hinaharass nila po ako.na saka daw ipopost daw sa social media mukha ko at ng family ko.at pino post talaga nila isa raw akong talamak na scammer at ginawan pa ako ng utang sa ibang goup page na hindi ko nman natanggap baka attorney ginamit nila ID sa pngugutang gamit pangalan ko ano po dapat kung gagawin pati kapatid at ibang tao at mga cousin ko tinawagan at tinxt na nila.dahil po n access nila yong contact ko s cp ko.na didipressed na po ako.sana po matulungan nyo po ako.gipit n gipit po kasi ako kaya hindi po ako nakabayd agad. Marami na din sila txt na panghaharass sa akin ,pati anak ko dinamay pa nila ibuburol dw nila tapos dw lilikom dw sya sa abuloy ng anak ko ,,
Kakarmahin sana sya sa ginawa nila,baby angel pa nmn ginaganyan nya po,,,ayaw kasi nila mkinig sa sa pakiusap na babayran lang kung mgkaroon ng pera. Ayaw talaga nila attrney, at mgdedemand dw sila at mag sampa ng kaso estafa raw .ano po ba pwede ko gawin attorney,hindi na po ako mkapgtrbho ng maayos nahihiya na po ako sa mga tao sa paligid ko po.at natatakot na po ako at nadedepressed nito my mga anak pa nmn akong maliliit.
Atty. Aq po ay hinaharass at tinatakot pti po mga contacts kong OLA ano ang dapat Kong gawin? Salamat po
Atty. Aq poh ai gnun dn my mga txt poh aqng narerecieve pagbabanta at pagmumura….mdami poh clang ginagamit na number pati poh mga contacts q tinitxt poh nila at sinisingil dn poh ano poh ang dapat qng gawin? Sana poh matulungan nio poh aq maraming salmat poh
Ako din po atty. Gusto q din po humingi ng payo lalo na po at may ipinasa clang txx na ang sabi ay dead or alive daw ho na dapat mahuli daw po aq nang hiram lng din nmn ho aq sa online gawa ho ng sobrang gipit po talaga kmi now lalo na po at sabay na nag kasakit ang mga anak ko at isa pa po isa po aqng single mother wla lng po talaga aq malapitan kaya nka lpit sknila
Atty.Nastress napo ako sa mga text nila minsan po gusto ko nalang magbigti na dedepressed na ho ako pero willing naman po ako magbayad kahit paunti unti
Good Morning po atty ganyan din po nangyayari sa akin ngayon patuloy na hinaharass ng lending app offer po sila offer siempre gipit po actually good payer naman po ako ngkataon lng po namismanage ko na sia dumami na sila pero maliliit lng po nauutang sa taas po ng mg interest nila nahack po nila un contacts ko kaya ng deac po ako ng fb at nireset ko un phone.ko.pero babalikan.ko pa rin po un mga utang ko pg anjan na un pambayad ko sana po matulungan nio po kame atty salamat po God bless po
marami na rin po ako naibayad sa kanila atty pero grabe interest nila sobrang taas po nagipit lng talaga ngaun kaya ndi pa.ako makabayad
Magandang Umaga. Po. Kasalukuyan ko pong nararanasan. Ang harassment na ginagawa Ng mga agent gumawa na po Sila Ng GC nakasama ako. At Yung mga friend ko sa Facebook para ipahiya ako. Tumawag ako sa kanila baka pwede bigyan nila ako Ng palugit pero Hindi Naman po Sila pumayag nag Padala din po Sila Ng ibat iBang message Ng pambabanta sa akin at sa pamilya. Ko. Subrang stress na po ako Hindi ko na po alam. Kung paanu gagawin ko kayA Lang Naman. Po ako napasuno sa pag utang. Sa kadahilanan gusto ko Lang mabayaran Ang tuition fee ko Ang hirap. Kasi. Ngayon ko Lang po naranasan Ang ganitong sitwasyon Yung dika. Makatulog dahil iniisip mo Yung mga pambabanta nila Sayo
Good evening po. Itatanong ko lang po kung ano po ba yung pwede gawin kung hinaharas po ako ng lending company, wala naman po akong transaction sa kanila, pero yung number ko daw po yung isa sa mga ginamit bilang contacts nung umutang (na hindi ko naman po kilala) sa kanila. Ngayon po pinagbabantaan po ako na ipopost daw po yung Mukha ko at nung umutang sa Facebook, at timawag pa po akong scammer. Ano po kaya ang pwedeng gawin? Maraming Salamat po.
atty., ang dami rin po namin natatanggap na message at tawag na puro panghaharass. hindi ko na po alam ang gagawin ko. hindi na po ako nakakapasok sa trabaho gawa po nitong nangyayari saamin ng nanay ko. grabe na po yung stress ko. hindi ko na po alam paano matatapos ito kung araw araw may interes. tulungan niyo po ako atty chel.
atty chel, nagmamakaawa po ako. humihingi po ako ng tulong sainyo. hindi ko na po alam ang gagawin ko. lahat po ng pwede kong malapitan nilapitan ko na. pati ang pagsanla ng atm ko, pero wala na po nagpapahiram. halos 10 lending app po ang pinagkakautangan ko ngayon. nagmamakaawa po ako atty chel. sana po mapansin niyo at matulungan niyo po ako.
Hello po atty Chel. Hihingi po ako ng payo o tulong sa inyo kasi Umotang po ako sa OLA.
Ngunit po sa laki ng interest nila nasa 30% po halos hindi kopo magamit Yong pinautang nila dahil po sa laki ng interest at ang Ikli ng days ng due date
Kahit po nakapag bayad na po ako ng first loan at 2nd 3rd pero hindi po nag increase ang days ng due date kaya po ng pang apat kung loan hindi kona po nababayaran dahil ubos na ang pera ko at makakautang narin ako sa ibang OLA dahil pang bayad.
Hanggang hindi ko na po kayang bayaran dahil pati kapitid ko nahiraman ko na ng pera para pang bayad ngunit kapos padin dahil sa laki ng interest nila.
Good Day po ATTY.Chel,
Ako rin po parihas din sa mganabasa ko sa itaas, gusto ko pong makipag settle sa kanila sa paraan na sa palagay ko po kaya kong mgbabayad.ng ask po ako ng favor sa kanila nankung maari,babayaran ko po ang utang ko po monthly nlng po kasi yun lng pi ang aking makakaya sa laki ng interest nila, pro ayaw nilang pumayag. Ang nangyayari yung mga reference contak po ang palgi nilang tinitxt at tinatawagan at hindi lng one number ang ginagalit kon di pa iba-bang number po bawat txt at tawag nila..gusto lo pong magbayad po but monthly nlng po ang makakaya ko po.ano po ang dapat ko pong gawin.salamat
Magandang araw po, nabaon po ako sa utang , online loan po.di naman po masyado malaki, na uninstall ko po ung mga apps kasi my mga pagbabanta na kasi at pagmumura akong natanggap, pati sa mga contact na naibigay ko sa impormasyon ko .nagipit lng talaga ako kaya di ako nakabayad.halos lahat ng anak ko inaway na ako dahil sa utang ko at na depres na talaga ako .umabot sa punto na parang gusto ko ng magbigti .ano po gagawin ko po kasi di na ako makatulog at makakain sa kakaisip dahil ipapakulong na dw nila ako .ofw po ako naging pwd, sana po matulungan ako, ayaw ko po tuluyang masira ang buhay ko .kawawa mga anak ko ako lng inaasahan 😢 sana po matulungan nyo po ako , God bless us all Salamat po .❤️
Hello po Atty. Isa dn po aq sa biktima ng harassment ng Online loan.. Nabaon po aq gawa ng ngkamedical emergency kapatid q.. Nu una po nababayaran q kahit napakalaki ng interes iniisip q nlng makakaraos dn aq pgdating ng araw. Pero Lalo po aqng nabaon.. At itong online loan app grabe po panghaharass nila sa text at calls.. pati mga contacts q tinatawagan at tinitext nila.
Tinatry q pong makiusap ng loan extension kahit me charge pero di Sila pumayag Kya sabi q okey lng madelay aq mgbabayad nlng aq penalty kasi talagang gipit po. Ang problema po Mula umaga gang hatinggabi ng due date q inuulan na aq ng tawag at text..
Sana po matulungan niu aq at Ang mga Kasama q Dito na kapwa q biktima ng harassment..
Salamat po.. God Bless
Good day po Atty.,
I would like to seek your advice po, on what to do po regarding my Final Demand Letter after 3 years po (2020-2023) Dec. 14,2023 po sila nag send nang final demand po., ngayon lang sila nag padala nang letter po. I have also a reference number po na di po nag change di naman po sila tumawag. during covid kasi lahat nang flexi stores agents and collector nawala po sila lahat. 2020 hinanap ko sila sa mga stores wala po sila. during 2021 nag mindanao na kasi ako. tapos ung address namin di naman nag change. naka padala nga sila ngayon. tapos kausap ko agent nila. sabi nila sa akin dapat daw ako mismo naghanap sa kanila para makapagbayad kasi ako ang may utang. hinanap ko nga wala nga sila during pandemic. tapos ngayon ang laki na nang babayaran ko po.
What should I do best in my situation? po
Thank you po
Atty. Ako po ay nabaon sa utang sa OLA ngayon po ng hindi po ako nakakabayad on time hinaharas na po nila ako nanakot na ipapublish nila sa social media ang larawan ko at larawan ng family ko tapos meron pa minunura na nila ako ano po ba dapat gawin?tinawagan na rin nila yung mga nasa phonebook ko. Depres na ako at hindi na alam gagawin po.
Hello po magandang umaga..ano po kaya pwde gawin sa ganitong sitwasyon po..pareho pareho po kamin ng pinagdadaanan.. binabantaan sinasabihan pa ng masasakit na salita.. gipit lng po tagala at walang mapaghiraman kaya po sa online app ako ng hiram..pag nka bayad ka ng maaga po magaganda ang sinasabi nila..pag hindi ka naka bayad ontime or lagpas sa oras na limit nila eh pinag sasalitaan na ng masama..magbabayd namn po..eh kaso hindi po sakto ang ipangbabayad.. tinatakot pa nila ako nga e.popost ako sa fb tapos sasabihang scammer ako.. alam nyo po nung una nakakabayad po ako ng maaga peru nung time na gipit na ako..nagbabanta na sila kaya sa ibang loan app hihiram na naman ako para lng maka bayad..ngayon po nalubog na po ako sa utang dahil po sa takot na pag d nabayaran eh ma popost sa fb.. sana nman po matulungan nio po ako… promis po magbabayd nman po ako…
Goodpm ! Atty please help po , Isa Dn ako nga nangutang sa online’ apps po 1/11/24ng register po Ako hola peso TAs d ko alam approved dahil alang Ng send notification po sken at check ko gcash ko madamag ala dumating na Pera na amount so kinocontact ko Po yung number indicate sa website nila Hindi Po matawagan at nag message po ako sa email nila alang isa sumagot , ngayun after 7 days d ko na buksan Ang apps at no pending repayment order po doon ,nakalagay,tas Ngayon Lage cla tumatawag sken at Ng message dapat bayaran KC pinaabot na nila sa court one day delay lang Po ha at tinatakot po NILA Ako at patiy mga emergency contact ko Po message nila at tinawagan ,kinausap ko Po cla maayus bakit sa singilin ang dali nila mga message at tawag ,Sabi ko bakit d kayo sumagot sa time na ng lend Ako Pera sa Inyo may problema Po on that day Hindi ko pona receive ang Pera at MGA screenshot po Ako sainyo sa gmail. neo pero Hindi sina sagot po ignore nila tas ngayun tinatakot po nila,atsabi ko bayaran ko Yan khit dko nagamit Ang Pera pero bigyan neo Ako ng araw na makahanap ng paraan Hindi daw may Oras cla binagay sken ,anong Gawin ko Po atty please help stress po Ako dhil sa careless cla TAs now ayaw nila maniniwal kahit pinadla ko Po screenshot ko sa kanila
Hello po magandang umaga..ano po kaya pwde gawin sa ganitong sitwasyon po..pareho pareho po kamin ng pinagdadaanan.. binabantaan sinasabihan pa ng masasakit na salita.. gipit lng po tagala at walang mapaghiraman kaya po sa online app ako ng hiram..pag nka bayad ka ng maaga po magaganda ang sinasabi nila..pag hindi ka naka bayad ontime or lagpas sa oras na limit nila eh pinag sasalitaan na ng masama..magbabayd namn po..eh kaso hindi po sakto ang ipangbabayad.. tinatakot pa nila ako nga e.popost ako sa fb tapos sasabihang scammer ako.. alam nyo po nung una nakakabayad po ako ng maaga peru nung time na gipit na ako..nagbabanta na sila kaya sa ibang loan app hihiram na naman ako para lng maka bayad..ngayon po nalubog na po ako sa utang dahil po sa takot na pag d nabayaran eh ma popost sa fb.. sana nman po matulungan nio po ako… promis po magbabayd nman po ako…
Atty Chel, I’m one of your supporters po.
I have received multiple threats from a Online Lending app including DEATH THREATS and also they degrades me which is against human rights.
Sinabihan Nila ako ng mga hindi magagandang Salita dinamay at pinagbantaan na ikakalat ang ID at face verification ko sa mga pages sa amin lugar at Pati sa mga gov. Agency ay papahirapan daw po Nila ako na makakuha ng kahit anong Docs. Huling tawa at Saya ko na daw po. They also accusing me as a scammer at tinatakbuhan ang UTANG pero nag explain naman po ako sa kanila na may emergency at may hindi lang magandang nangyari at willing naman po ako MAGBAYAD hindi lang po sa due dates pero hindi po sila nakikinig sa explanation at reason. At kung ako po ay tumatakas at tumatakbo sa UTANG KO ay hindi na nila ako mata tawagan at hindi magreresponse sa mga messages Nila. Pero every time mag response ako bad words at puro threats ang laman ng sagot Nila.
Any advice po, alarming na po kasi ang Ginagawa Nila Lalo na po ang death threat sa akin at sa pamilya ko.
Thank you and more power pa po sa inyo atty. Chel Diokno.
Hello Po atty.chel Anu Po kaya magandang gawin sa sitwasyon ko Po ngayon nagbabanta at hinaharas Po aq Ng online loan apps pati Asawa ko ay inakulit pinagbabantaan one tym lng nman Po aq humiram sa knila pero maiblik ko nman Po,,,tpus ngayon Po ntwag Po sa Asawa ko may kailangan daw Po Ako byaran Ng utang sa knila samantala Po ay wla nman Po aq natatanggap pati g cash Po ay nagamit NILA na hack Po nla,,sobrang stress n Po aq sa gingawa nla Anu Po magandang gawin
Hello atty.chel hihingi Po sana Ako Ng payo kung Anu Po magandang gawin isa Po Ako sa nkakaranas Ng pananakot at pag babanta Ng online loan apps opo aminnin ko Po nagutang Po aq sa knila pero maiblik ko Po un,,pero may tumawag Po sa Asawa ko na may kailangan daw Po byaran sa utang sa knila,,e wla nman Po ako natatanggap pati Po g cash account ko magagamit NILA,,Anu Po magandang gawin
Magandang araw po atty diokno
Biktima.dn po aq ng panghaharas ng OLA.Sana po ma advise mu po aq sa tamang gagawin.Willing po aq magbayad ngunit hindi sa itinakda nilang date dhil nawalan po ngbstqble job ang aking asawa.Pero hnding hnd ko po eaabandona ang obligasyon ko.
Hello po atty., biktima dn po aq ng mga pang haharrass ng mga collectors ng mga online apps kht d pah due date ng pagbayad. binayaran q nmn po pro ginawa nla walang tigil na twg at msg na threats tapoa emails pati sa mga contacts ko po. Pnka malaking na utang ko po 10,000 sa pera na yun na disburse sakin nasa 6,000plus lng po for 7 days eh hikahus kaya nagawang mangutang. Kaso d po aq nkapag bayad ngayon grabi yung threats at harrassment nla pati sa contacts ko po., ano po pwede kong gawin?.. salamat po