Ang mandatory na pagsusuot ng mga face masks, at kalaunan ang face shield, ay unang inimplement sa pamamagitan ng IATF Resolution No. 18. Ayon sa nasabing resolution, inuutusan ang mga LGUs na magpasa ng mga ordinance na magrerequire ng pagsuot ng face mask (at face shield) at na magtalaga ng kaukulang parusa sa mga lalabag dito. Ang kapangyarihan na magpataw ng parusa sa mga lumalabag dito ay nagmula sa mga local ordinance na ipinasa ng mga LGUs. Ang mga lokal na ordinance ay tinuturing na batas na applicable sa naaayon na local government. Dagdag dito, ang mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield ay nakapaloob pa rin sa Section 8 (3) ng IATF Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines as of April 15, 2021.
Sa ganang ito, maaari lamang arestuhin ang isang taong lumabas nang walang face mask and/or face shield kung ang ordinansang pinasa ng lokal na pamahalaan ay nagpapataw ng parusang kulong. Masasabing ang usual na ordinansa ukol sa hindi pagsusuot ng face mask or face shield ay nagpapataw lamang ng parusang multa at walang parusang kulong. Dahil dito, masasabing hindi tamang arestuhin ang mahuhuling lumalabas nang walang face shield or face mask.
Kung sakaling sa palagay ninyo ay hindi nga tama ang pagkaka-aresto, maaari kayong dumulog sa Quick Response Team ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS, Inc.) sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa qrt.ideals@protonmail.com o pagtawag sa numerong makikita sa https://ideals.org.ph/index.php/reach-us/