Ayon sa Supreme Court (People v. Belen, G.R. No. 225735, January 10, 2018), ang elements ng qualified theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code ay:
(1) mayroong naganap na pagkuha ng personal property o pera;
(2) ang personal property o pera ay pagmamay-ari ng iba;
(3) ang pagkuha ay mayroong kasamang intent to gain;
(4) ang pagkuha ay naganap ng walang consent o pahintulot ng may-ari;
(5) ang pagkuha ay nagawa ng walang violence or intimidation against persons, or force upon things; at
(6) ang pagkuha ay nagawa ng mayroong grave abuse of confidence, or ginawa ng isang domestic servant, or kung ang property ay ninakaw habang may sunog, lindol, bagyo, pagputok ng bulkan, or anumang calamity, or sa isang vehicular accident or civil disturbance.
Kailangan present ang lahat ng elements sa itaas para makasuhan ng qualified theft. Bilang depensa, maaaring patunayan na wala ang kahit isa sa elements sa itaas (halimbawa, maaaring sabihin na ang pagkawala ng pera ay hindi sinasadya at walang intent to gain).