Maaaring magdemand na tumupad ang seller or singilin ang binayad ninyo.
Maaari kayong magpadala ng demand letter sa offender upang pormal na hilingin na tumupad sa usapan ng bentahan o sale ng item o di kaya naman ay pagbalik sa perang binayad para sa item na ito. Mainam tandaan na ilagay sa demand letter ang demand para tumupad sa usapan and/or halaga na sinisingil, ang kasunduan o kontrata na basehan ng iyong demand na tumupad or pagsingil, ang pagtakda ng panahon para tumupad or bayaran ka, at ang paalala na maaaring gumamit ng iba pang legal remedies para maipaglaban ang karapatan bilang buyer kung hindi tumupad or magbayad sa takdang panahon ang offender. Bukod dito, mainam din tandaan na ipadala ang demand letter gamit ang registered mail para makakuha mula sa post office ng proof of service o patunay na ito ay napadala at natanggap ng offender. Maaari ring ipadala ang sulat gamit ang mga private courier na mayroong system para mapakitang natanggap ng pinadalhan ang sulat.
Pwede rin ninyo idulog ito sa Lupong Tagapamayapa ng barangay kung saan nakatira ang pinaghihinalaang scammer. Magpaissue kayo ng Certificate to File Action kung hindi naman magbayad ang hinihinalang scammer.
Maaari pong magsampa ng civil case for specific performance with damages kung saan hihilingin sa korte na utusan ang offender na tumupad sa usapang bentahan or for breach of contract with damages para ibalik na lamang ang perang binayad ng buyer. Sa parehong kaso ay maaari pong humiling ng danyos mula sa offender dahil sa perwisyong nagawa.
Maaari ring magsampa ng criminal case ng estafa sa ilalim ng Revised Penal Code laban sa offender, kung mapatunayan na:
(1) Dapat ay may grave abuse of condience or unfaithfulness, or may false pretense, or fraudulent act, or means na ginawa ang offender;
(2) Ang nasabing grave abuse of condience or unfaithfulness, or false pretense, or fraudulent act or means, or means ay dapat ginawa bago or habang ginagawa ang panloloko sa biktima;
(3) Umasa ang biktima sa offender dahil sa isa sa mga nabanggit na gawain, ibig sabihin, nakumbinsi siyang ibigay ang pera or property or service niya dahil dito; at
(4) Dahil sa nangyari, nagkaroon ng perwisyo sa biktima.
Mayroon itong karampatang parusang kulong and/or multa.
Para ireklamo ang kabuuang gawain ng kumpanya, maaaring lumapit sa Enforcement and Investor Protection Department ng SEC sa 8584-6637.
Kung ang kausap naman ay sole proprietorship lamang at nakarehistro sa DTI, maaari rin magsampa ng reklamo sa DTI. Kapag napatunayang nang-scam nga ang online shops na ito, maaaring ma-revoke ang kanilang DTI license at maaaring mabawi ang halagang na-scam mula sa biktima. Maaaring magsubmit ng accomplished na Complaint Form or complaint letter sa email na consumercare@dti.gov.ph. Maaari rin icontact ang Fair Trade Enforcement bureau (FTEB) sa (+632) 7215.1165 or sa FTEB@dti.gov.ph.
Maaaring maghain ng complaint sa PNP Anti-Cybercrime Group. Maaaring sumangguni sa kanila sa mga numerong: +63 961 829 8083 (Smart) at +63 9155898506 (Globe) o mapgadala ng mensahe sa Facebook: Facebook.com/anticybercrimegroup o Twitter:@pnpacg.
Maaari rin makipag-ugnayan sa NBI Operation Center sa 0961-734-9450, NBI Anti-Fraud or Cybercrime Divisions sa 85238231-38, o mag-message sa NBI website o sa kanilang Facebook account.
Maaari pong sabay isampa ang civil case at criminal case at ang reklamo sa DTI or SEC. Maaari naman pong mapabilis ang paghahanap sa offender kung sumangguni kayo sa NBI.