Ang pagbabago sa process ng pagbigay ng permit sa mga telecommunications company ay alinsunod sa utos ng dating Presidente Duterte na pabilisin ang pag-issue ng mga permits for cell site towers. Ito ay inimplement sa pamamagitan ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan 2 Law na nagsasabing “no national or local permit shall be required in the construction, installation, repair, operation and maintenance of telecommunications and internet infrastructure by independent tower companies registered with the DICT, or holders of certificate of public convenience and necessity or provisional authority granted by the National Telecommunications Commission to public telecommunications entities for a period of three (3) years from the effectivity of this Act.”
Nag-issue naman ang DILG ng Department Order No. 2020-09 hinggil sa subject na ito at base sa mga nakalistang requirements para makakuha ng locational clearance mula sa LGU, ang public hearing ay hindi na kasali. Gayunman, ang due process requirement ay masasabing nakapaloob sa Section 10 nito na nagsasabing kung sinuman ang unsatisfied sa grant ng locational clearance ay pwedeng magfile ng appeal sa Local Zoning Board of Appeals. Kung ang Locational Clearance naman ay inissue ng Regional Office ng DILG, ang appeal ay maaaring i-file sa Office of the Secretary. Sa ganang ito, iminumungkahing dumulog kayo sa Local Zoning Board of Appeals kung mayroong apela sa pagpapatayo ng cell sites malapit sa inyo.
Whether violative ba sa right to health ang pagtanggal sa public hearings, ang Food and Drug Administration na nasa ilalim ng Department of Health ay naglabas ng FDA Advisory No. 2020-1623 na nagsasabing bago mag-install ng mga antennas, may evaluation na ginagawa upang idetermine ang safety nito. Dagdag dito, niremind ng FDA ang publiko na ang radiation na ine-emit ng mga antennas na nakalagay sa cell site towers ay hindi nag-eexceed sa limit na itinalaga ng DOH na ligtas para sa mga nakatira malapit dito dahil ang mga antennas ay installed sa mataas na lugar kaya minimal lamang ang effect nito sa mga nasa ground.
Gayunman, kung mapapatunayan na ang location ng cell site towers ay nakakasama sa health ng mga nakatira malapit dito, maaari kayong magsampa ng petisyon for abatement of a nuisance sa korte. Ayon sa Article 694 ng Civil Code, ang nuisance ay any act, omission, establishment, business, condition of property, or anything else which, among others, injures or endangers the health or safety of others. Kapag nagdesisyon ang korte na ang cell site towers ay nakakasama sa kalusugan ng mga residente na nakatira malapit dito, maaari nitong i-utos ang pagtanggal ng cell site tower.
Ayon sa Section 10 ng RA 9904 o Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations may kapangyarihan ang Homeowners Association na:
(i) I-regulate ang gamit, maintenance, repair, replacement, modification at improvement ng common areas;
(ii) I-regulate ang access sa subdivision/village roads para i-preserve ang privacy, kapayapaan, security, safety, at traffic order;
(iii) Mag-grant ng lease, concession, at awtoridad sa paggamit ng common areas;
(iv) Mag-impose ng fees para sa paggamit ng open spaces, facilities, at services ng HOA;
(v) Mag-enforce na height regulations, easements, use of homes, buildings, edifices, o structures na puwedeng itayo sa loob ng subdivision, ayon sa National Building Code, zoning laws, government rules at regulations, at local ordinances; at
(vi) Payagan ang pagpapatayo ng schools, hospitals, markets, grocery stores at iba pang katulad na establishments na makakaapekto sa subdivision/village.
Kung sa inyong pakiwari ay may kamalian o pagkukulang ang HOA sa pagbibigay ng permiso sa pinatayong cellphone tower, ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development Act ay maaaari ninyong i-reklamo ito sa Human Settlements Adjudication Commission (dating HLURB). Maaari silang ma-contact sa numerong +63 947 882 6297 o padalhan ng email sa info@hsac.gov.ph.