Alam niyo ba, sa Expanded Senior Citizens Act (o Republic Act No. 9994), may 5% discount sa monthly bill ng tubig at kuryente para sa ating senior citizens!
Requirements lang na:
- Ang utility bills ay rehistrado sa pangalan ng resident senior citizen
- Ang monthly consumption ay ‘di lalagpas sa one hundred kilowatt hours (100 kWh) para sa kuryente, at thirty cubic meters (30 m3)
- Ang discount ay granted per household, at iisa lang kahit maraming senior citizens sa tinitirahan
Para i-avail ang discount na ito- ito naman ang kailangang gawin:
- Una, mag-apply sa provider ng tubig at kuryente
- Mag-submit ng requirements, kasama ang (i) proof of age and citizenship (Senior Citizen ID); (b) proof of billing na nakapangalan sa senior citizen for 1 year; at (c) Proof of residence.
Sana makatulong ito para mas mapadali ang buhay ng ating senior citizens.