Ayon sa ating Rules of Court, maaaring arestuhin ng pulis ang isang tao kahit walang warrant kung:
(a) Sa presensiya ng pulis, ang taong ito ay gumawa, gumagawa, or sinusubukang gumawa ng offense;
(b) Kung ang isang offense ay kakatapos pa lang mangyari, at may probable cause ang pulis based sa personal knowledge of facts or circumstances na ang taong aarestuhin ang gumawa nito; o
(c) Kung ang taong aarestuhin ay isang takas na bilanggo mula sa isang penal establishment kung saan siya ay nagseserve ng kanyang sentensiya o di kaya naman ay pansamantalang nakakulong habang nililitis ang kanyang kaso, o di kaya naman ay tumakas habang tinatransfer mula sa isang kulungan patungo sa isa pang kulungan.
Sa kaso ng (a) at (b) sa taas, kinakailangang dalhin ang taong inaresto nang walang warrant sa pinakamalapit na police station or jail. Matapos nito, kinakailangang dumaan sa inquest proceedings ang akusado kung required sa kasong maaaring isampa para sa offense ng inaresto ang preliminary investigation.