Sa Batas Kasambahay (RA 10361) , malinaw ang karapatan at benefits na dapat binibigay sa mga kasambahay.
UNA- Board, Lodging, at Medical Attendance
Dapat mag-provide ang employer ang basic na pangangailangan ng kasambahay, kasama ang
- a) Three (3) meals a day;
- b) Ligtas na sleeping arrangements; at
- c) Pahinga at medical assistance kung may sakit o injury.
PANGALAWA- Minimum Wage at 13th Month Pay
Ang buwanag sweldo, dapat ‘di bababa sa sa miniminum wage for domestic workers na itinadka ng DOLE-Regional Tripartite and Productivity Wage Boards.
Halimbawa, ang kasalukuyang minimum wage kada buwan ng mga kasambahay sa NCR ay at least P6,000 dapat.
Para ma-check ang minimum wage sa inyong lokasyon, pumunta lang sa link na ito, na nakalagay rin sa description ng video:
“Current Monthly Minimum Wage For Domestic Workers: https://nwpc.dole.gov.ph/stats/current-monthly-minimum-wage-for-domestic-workers/”
Ang sweldo- dapat ibinabayad in cash at least once a month.
Kung nagtatrabaho na bilang kasambahay ng isang (1) buwan, may karapatan na rin sa 13th month pay na binibigay bawat pagtatapos ng taon.
Ang 13th Month Pay ay dapat dapat ‘di bababa sa one-twelfth (1/12) ng kabuuang sweldong nakuha sa buong taon.
PANGATLO- Daily at Weekly Rest Periods
Dapat- binibigyan kayo ng panahon para magpahinga.
Kada araw- may karapatan sa rest period na walong (8) oras.
Bawat lingo- may karapatan sa isang (1) weekly day-off. Kung anong araw ang day-off, depende kung ano ang mapagkusunduan ninyo.
PANG-APAT- Leave Benefits
Bukod sa pahinga, bawat taon ay dapat meron ring paid leaves.
Kung ang panahon ng serbisyo ay umabot na ng isang (1) taon, entitled rin kayo sa annual service incentive leave na limang (5) araw with pay.
PANG-LIMA- Social Security Benefits
Kung may isang (1) buwan na ng serbisyo- dapat covered kayo ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG, at ang pag-remit ng contributions ay ginagawa ng employer.
Higit sa lahat, ang bawat kasambahay ay may karapatan na tratuhin nang may respeto at dignidad .
Kung ipagkait sa inyo ang mga karapatan at benefits na dapat binibigay sa Batas Kasambahay, pwedeng mag-reklamo sa DOLE.
Pwede kayong tumawag sa DOLE Hotline 1349, o humingi ng tulong sa DOLE Regional Offices sa inyong lugar. Makikita ang kanilang detalye sa sumusunod na link: https://www.dole.gov.ph/key-officials/.