Magandang balita sa mga domestic workers sa Central Luzon!
Simula April 1 ngayong 2024, itataas ang buwanang sweldo- at ang minimum wage- dapat P6,000 na!
Covered dito ang mga househelp, at iba pa, gaya ng Yaya, Cook, Gardener, at Laundry person. sa Region III:
- Aurora
- Bulacan
- Pampanga
- Zambales
- Bataan
- Nueva Ecija
- Tarlac
Inaasahang matutulungan nito ang 126,762 na domestic workers.
Para naman sa mga kasambahay sa ibang lugar, pwedeng i-check ang applicable minimum wage sa inyong region sa website na ito: https://nwpc.dole.gov.ph/#dmwr
Kailangang sundin ng employer ang minimum wage, at kung hindi- pwede itong i-report sa DOLE Regional Office sa inyong lugar.
Dito naman makikita ang kanilang directory: https://www.dole.gov.ph/key-officials/.
Mahalagang serbisyo ang ginagawa ng domestic workers, at dapat lang kilalanin ito sa pagtaas ng sweldo.